GARNET HEART - 2009 FILIPINO NOVELS ONLINE Best Writer of the Year
THE JUDGES SPEAKS ABOUT The Other Side of You
ALBERT LOYOLA – COMICS ARTIST/ANIMATION DIRECTOR
Artist ako pero hindi ako writer kaya medyo nahirapan ako dito. Natutuwa ako na ang gagaling na palang magsulat ng mga bata ngayon. Tinatawanan nga lang ako ng anak ko sa tanda kong ito nagbabasa pa raw ako ng mga ligaw-ligawan lalo na lalaki pa ako. Kung alam ko lang na mahirap pala tumanggi sana akong maging judge pero makulit itong binata natin.
Congratulations sa nanalo. Nagustuhan ko iyong kuwento niya. Bukod sa romance niya napakaganda ng inilarawan ng author na katangian ng bida. Inilalarawan ng kuwento niya ang pagsasakripisyo nating mga Pilipino para sa ating pamilya. Marami sa atin nagpapakaalila sa ibang bansa, tinitiis natin ang pangungulila at pang-aapi ng mga amo natin, basta’t may maipadala lang tayo sa ating mga minamahal. Ganyan na ganyan ang ipinakita ni Alicia sa istoryang Other Side of You. Sa kabila ng hindi maganda niyang katangian, ay isa pala siyang napakabuting kapatid at anak sa kanyang pamilya.
CELESTE FRANCISCO
Gusto ko pareho yung 2 nanalo. Although mas panig ako kay Nimfa Beck, hindi naman ako against sa pagkapanalo ni Garnet.
Medyo classical ang writing style ni Garnet. Mukhang hindi siya nag-adapt sa trend ngayon na combination ng english-tagalog at walang nangyaring switch sa point of view. However, siya yung nakita kong napakalakas ng appeal sa mga readers. Mabilis ang pacing ng story at napaka-agressive ang mga dialogues at events. This kind of writing style is very risky. There’s a 50-50 chance na magustuhan at hindi magustuhan ng mga readers, but on this particular novel, Garnet Heart succeeded. Overall, napakataas ng entertainment value ng story, maayos at maganda ang pagkakasulat, hindi putul putol and mga scenes at very effective ang delivery. She knows just the right words to make readers feel exactly how the character of the story feels. Magaling.
EVELYN AGPAOA
As a Filipino teacher, I found it strange na pinaghahalo ang tagalog at english sa mga nobela natin ngayon, pero ayon kay Ces, iyon daw ang style ngayon.
One particular thing na nagustuhan ko sa The Other Side ay ang very unique na characteristic ng bida. Lahat kami dito kilala namin si Alicia, pati yung anak ko na nakibasa kilala din niya si Alicia. Nakalimutan na siguro namin lahat pero si Alicia hindi. Ang lakas ng hatak niya sa readers. Sa kuwento kinaiinisan siya ng mga tao, pero sa mga readers, she is very much loved and adored. Furthermore, pinatunayan ng nobelang ito ang “Don’t judge a book by its cover” na sawikain natin. Malandi man siya o maarte, hindi mapapantayan ang ginagawa niyang pagsasakripisyo para sa kanyang pamilya.
MARY ROSE OLIVARES
I love the other side of you. To distinguish it from the rest, the emotional intensity is so great it can hit through the readers. Who did not cry when Alicia’s mother and sister died? Well I did not, but almost
The character also has a very strong personality either as a famous flirt at work or as a strong willed daughter at home.
It’s a novel well written with interesting plots, hard to put down, and when you reach the word WAKAS, you’d take a deep breath and smile and say “Great!”
Congratulations to you Garnet! You deserve it!
January 25, 2010 at 3:22 am |
Noon nabasa ko ung Other side of you ni garnet heart. Gusto ko nga iyong characters ng babae doon. I learn a lesson on that story. Congratulation Garnet Heart.
January 24, 2010 at 7:52 pm |
wow, sana may comment din ang mga judge sa ibang nominee. Mukhang nakakaexcite mabasa ang kanilang opinyon para sa ikauunlad pa ng pagsusulat namin.
Salamat po sa pakikibahagi sa contest na ito.
January 24, 2010 at 5:04 pm |
Congratulation to Ms. Garnet for winning this competition. You really deserve it! Thank you din sa mga nagbasa ng story at sa mga judges.
Sa mga hindi nanalo dont feel down. Isipin niyo na lang na isa lang itong next step para lalo pang magsumikap at magpunyagi. I’m sure marami pang darating na ganitong competition. At saka not all writers experience this online contest, kaya to the next level ang ginawa niyong pagsali. And you did a good job guys! Magsulat pa kayo ng magsulat para mahasa. At palawakin ang inyong imahinasyon para sa darating na contest ay maging dekalibre na kayo.
More power and god bless to all!
FRN
January 24, 2010 at 12:19 pm |
Salamat po sa bumubuo ng contest na ito at mapalad na rin ako kasi isa ako sa mga nominees gayundin sa iba pang FRN writers na nakasama sa contest. Gusto ko lang i-congratulate si Garnet Heart for being the winner at maganda naman po ang evaluation ng mga judges sa kaniyang nobela. Bagaman isa lang talaga ang pipiliin pero salamat sa komendasyon ni Mr. Albert Loyola para sa mga writers today. Habang nandiyan iyong mga supporters at readers ay nariyan po ang mga writers na patuloy na pasusulungin ang talento at husay sa pagsusulat. Mabuhay po tayong lahat.
January 24, 2010 at 11:18 am |
Paborito ko rin po ang the other side ni garnet heart. ang ganda pong basahin kahit paulit ulit.